Sa sobrang daming benefits ng sports — from improved health and fitness levels to better social skills — natural lang na gusto mong i-introduce ang mga ito sa iyong anak.
Bago ang lahat, pag-isipan ang dalawang points na ito. Una, interesado ba ang bata sa iniisip mong sport? Pangalawa, naayon ba ang sport na ito sa kanyang edad? When it comes to the second concern, matutulungan ka ng guide na ito
Bakit kailangan mamili ng sport na ayon sa edad ng bata?
Alam mo ba that child experts and pediatricians recommend certain sports to kids based on their age range? Ito ay dahil iba-iba ang pisikal, mental, at social skills ng mga bata at different ages. It follows na may specific needs din sila depending on their age.
Halimbawa, mas kaya ng isang 10-year-old na bata na umintindi ng mga komplikadong instructions kaysa sa isang 5 year old. Dahil dito, mas makaka-benefit ang older kids from more organized team sports like basketball.
Narito ang ilan sa recommended age-appropriate sports para sa mga kids:
Ages 2-5
At these ages, nagde-develop palang ang mga muscles at koordinasyon ng mga bata. Mabuting pumili ng unstructured free play na makakatulong sa pag-develop ng mga ito.
- Running: By age 2, nakakalakad at nakakatakbo na ang mga toddlers. Lalong palakasin ang kanilang muscles by allowing them to run freely during playtime.
- Throwing and catching: This is a fun way to exercise younger kids’ muscles. At the same time, makakatulong rin ito sa pag-practice ng kanilang hand-eye coordination.
- Swimming: Under your supervision, allow your kids to play and attempt to float, kick, and paddle in the pool. Pampalakas ito ng kanilang muscles and will develop their balance.
Ages 6-9
Mas malakas at mas coordinated na ang mga muscles ng mga bata at these ages. Pero, kailangan pa rin nilang ihasa ang hand-eye coordination para sa makagawa ng mas complicated na movements. Most of them will also need guidance to fully understand and apply sports concepts like teamwork and strategy. Ang recommended sa kanila ay mga sports focused on improving basic coordination and movement.
- Taekwondo: A sport like taekwondo gives your child a full-body work out. Makakatulong ito to improve their balance, focus, coordination, and endurance.
- Gymnastics: Through regular gymnastics training, kids can get better posture, toned muscles, at improved balance. Mai-improve din ang kanilang concentration dahil kakailanganin nila ito to do complicated movements.
- Tennis: Puwede na i-advance to more complicated ball games like tennis ang mga bata. Sa tennis, lalakas sila at mahahasa ang kanilang hand-eye coordination, which they need para ma-control ang direksyon ng bola.
Ages 10-12
Sa ganitong edad, most kids have the physical, mental, and social skills to try more complicated sports. Mas madali na rin sa kanila na maintindihan ang teamwork at strategy, at gumawa ng more complicated movements.
- Basketball: Since this is a sport that needs team strategy, kids will learn to make decisions on the spot, work with other kids, irespeto ang roles ng bawa’t isa, at makinig at sumunod sa mga coaches at sports officials.
- Volleyball: Just like basketball, volleyball teaches children skills na nakukuha from playing a team strategy sport. Being part of a team also helps them develop social skills like communication and make long-lasting friendships.
- Soccer: Like basketball and volleyball, soccer also requires strategy and working with a team. Plus, nai-improve rin nito ang health ng kids at nai-instill sa kanila ang discipline, sportsmanship, at ang ability to bounce back from failure and mistakes.
Ngayong may idea na kayo kung anong sport ang bagay sa inyong anak, maari kayong maghanap ng age-appropriate sports programs for your kids sa MILO® Sports Clinics via the official MILO® website. MILO® Sports Clinics have a wide variety of sports programs for kids of different ages.
Stay on Barangay Nestle website’s Barangay Court page to learn more parenting tips and the secrets to raising champions in life.
Sources:
https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/know-what-sports-are-appropriate-for-your-child/
http://www.healthofchildren.com/G-H/Hand-Eye-Coordination.html
https://childdevelopment.com.au/areas-of-concern/gross-motor-skills/balance-coordination/