Back Paano Tulungan Ang Kids Ma-Accept Ang Malalaking Pagbabago Sa Buhay Paano Tulungan Ang Kids Ma-Accept Ang Malalaking Pagbabago Sa Buhay

Paano Tulungan Ang Kids Ma-Accept Ang Malalaking Pagbabago Sa Buhay

Big life changes can be hard for kids. Here’s how to help them cope.

Feb 14, 2023

·  5 min read

The reality is, mahirap tanggapin agad-agad ang mga pagbabago sa buhay, lalo na pag ito’y life-changing. Mahirap yan para sa ating mga adults, kaya what more para sa ating mga anak? But, as they say, the only permanent thing in this world is change. Kaya napaka-importante na matutunan ng mga bata maging adaptable at mag-adjust sa panahong may major changes sa kanilang buhay. Mahalaga ito if we want them to grow up to be champions in life. Tignan natin kung paano ito nagawa ng isang batang nagngangalang Marlon at ng kanyang pamilya sa unang episode ng “My Kid Is A Secret Champion,” isang original web series presented by Barangay Nestlé:

Watch Episode 1 of My Kid is a Secret Champion

Homecoming

Episode 1 · 6 min · Marlon, a timid boy whose family just moved to Brgy. Nestlé ...

Tulad ni Marlon, mabuti na matutunan ng mga bata na makahanap ng lakas ng loob na harapin ang kahit anumang pagbabago sa buhay. Nahirapan man siya sa simula, hindi siya tumigil sumubok. Sa huli, nakuha niya ang gusto niya at may natanggap pang sorpresa!

Mommies at daddies, kung familiar sa inyo ang concern na ito, don’t worry! Narito ang mga tips para matutulungan ang mga bata:

Pag-usapan kung ano ang mangyayari and what to expect

Maraming difficult changes ang puwedeng maranasan ng mga bata: paglipat ng tirahan o school, o kaya pagkakaroon ng bagong kapatid. You can help them prepare and adjust by telling them what will happen and what to expect. Para sa mga maliliit na bata, gumamit ng visual aids tulad ng libro or YouTube videos na nagpapakita ng sitwasyon.

Simplify life and maintain family routines

During a big change, iwasan natin i-complicate ang buhay ng pamilya para maka-focus sa needs ng mga bata. Try maintaining everything else sa day-to-day ng mga kids. Ibig sabihin, sundin natin ang daily routine ng buong pamilya until makapag-settle down ang mga bata. Kumain ng sabay-sabay, ituloy ang family bonding during weekends — lahat ito ay makakatulong para they feel grounded and secure.

Acknowledge their fears, anger, and worries

“You can’t heal what you can’t feel” — mahalagang matutunan ng mga bata ito. Teach your kids na okay lang na matakot, magalit, o mag-alala sa mga changes na nangyayari. Pagkatapos, turuan mo sila ng mga positive coping skills to deal with these emotions, like journaling, painting, or even joining sports activities — tulad ng napanood ninyo sa first episode ng “My Kid Is A Secret Champion.”

Involve your kids in making decisions about the change

Madalas, kids experience things na wala sa kanilang kontrol. Kaya, help them feel more in control over some things in their lives by involving them. Halimbawa, let them choose their school supplies for their new school o kaya decide which sports activity they want to try in the new barangay.

Remember, mga parents: change is inevitable — mangyayari at mangyayari ito. Kaya, mahalaga na ang buong pamilya ay may lakas ng loob makapag-adapt proactively and positively sa mga pagbabago sa buhay.


Stay on Barangay Nestle website’s Barangay Court page to learn parenting tips and secrets to raising champions in life. Don’t forget to catch the next episode of “My Kid Is A Secret Champion”!

Sources:

 https://www.psychologytoday.com/us/blog/parenting-translator/202107/how-you-can-help-your-child-adapt-change 

https://www.easternflorida.edu/community-resources/child-development-centers/parent-resource-library/documents/positive-coping-skills-during-life-changes.pdf 

https://anitacleare.co.uk/helping-children-cope-with-change/ 

https://content.ces.ncsu.edu/helping-children-cope-with-stress 

https://www.kidspot.com.au/parenting/helping-kids-cope-with-change/news-story/0e2c2887df9e1c4a8af1140444fafe5c

© 2022 Barangay Nestlé